Salamat for this weekend, makakapagblog na ulit ako. Sa mga nakalipas na araw ay naging hectic ang aking schedule. I could only managed updating my Facebook account at maghintay (kung meron man) ng mga comments sa blog ko. Minsan nga sa dami ng nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw gustong gusto ko ng isulat ang bawat pangyayari, tagpo at funny moments na naganap. Pero my spirit is willing but my body isn’t.
Minsan sa kakablog hop ko, marami akong nabibisitang mga magagandang blogs. Me mga matagal nang di nauupdate, some since 2005 or 2008 pa ang huling nasulat. Ang gaganda ng mga paksa at kwentong talaga namang me sense. Naisip ko lang kung noon pa sana ako nagsulat about living inside a men’s dorm eh di sana hindi na ako naeexert too much effort na halughugin pa sa baul ng aking memorya ang mga kwentong dorm ko. Late ko na kasi nalaman ang salitang BLOG.
Anyways sana lang hindi ako mahirapan magmanage ng blog ko. I admit I have great hopes sa blog ko. Feelingero din kasi ako. Pakiramdam ko sisikat ako sa mundo ng blogging. But when I read other blogs ako ay napapaWOW na lang. Wala pa sa kalingkingan ang blog ko compared sa kanila. Dumaan pa ang mga araw at dumami ang aking mga friends sa blogosphere. Mostly sa kanila taga WORDPRESS. Akala ko noon kelangan magpatawa lagi sa blog at gawing kengkoy o magkaroon ka ng pakulo o gimiks para mabenta at makilala ang blog mo. Nagkakamali pala ako. Ang mere essence ng blogging na aking naunawaan sa pagdaan ng mga araw ay simple lang… eto ay hindi maghangad ng kasikatan but to express what you feel… period. Hayaan na natin ang kasikatan, lets live it to the SUN kasi yun ang work nya ang sumikat (sunrise) at sumisid (sunset). Expressing our emotions is normal. Blogging is one of our outlet ika nga. Kaya ngayon naiintindihan ko na ang mga bloggers na minsan emotional sa kanilang mga nasusulat. Naiintidihan ko na rin kung minsan ang ilan nawawalan ng gana magsulat. Kasi lahat tayo emo… emoticons!
Naalala ko tuloy ang mga araw ko sa dorm noon. Paghomesick ako, o me bumabagabag sa isipan ko ang tanging ginagawa ko eh dumungaw sa bintana. Wala namang magandang scene sa labas. Kaharap ng lumang dorm namin noon ang ospital ng university, although maraming dumadaan doong mga nagseseksihan at naggagandahang dilag na papasok at pauwi from university campus. Sa university maraming seksi ganito sana sa buong bansa.
Hindi magastos ang ganitong lifestyle sa men’s dorm. Walang cash outlay ika nga sa accounting. Walang materiality level na pag-uusapan kung sa auditing mo titignan. Tanging ang oras mo lang ang nasasayang at nagiging sunk cost ayon sa cost accounting. Pero ganumpaman kahit papano gumagaan ang isip ko.
Ngayon wala akong bintanang mapagdungawan. Tanging Facebook, WordPress, YM , NBA, Inquirer, Philstar at mga inspirational blogs lang ang aking bintana sa mga oras na gusto kong dumungaw at iexercise ang aking mga braincells.
Nakakamiss tuloy ang dungaw-sa-bintana moments ko sa men’s dorm. Pinaka paborito kong oras ng pagdungaw eh tuwing study period sa gabi mga alas nuwebe o alas diyes ng gabi. Tahimik at malamig ang simoy ng hangin. Nakakarelax at nakakabrain freeze.
Ikaw, me kwentong bintana ka ba?