Posts Tagged ‘facebook’

Dorm Boy Is In a Relationship

May 30th, 2010

It’s almost two weeks since mabasted ako. As much as I tried to keep to myself the pain (tsaket tsaket talaga ate Charo,) and not to show what I really feel, time will come that your mind and body will burst to a great level of sorrow. Kung gaano kasaya ang feeling pag sinagot ka, ganun naman kasakit mabasted.

I decided not to write about it especially during the early days since the wound was still fresh (di na kelangan i-ref) that time. I would be so emotional if I wrote what I truly feel. I also kept myself from being so “emo” in Facebook. I decided to get too busy and focused on my work. I would like to get busy and more work on my table. Yet still, I am just an ordinary human being, I still feel emptiness inside. I looked blank at my laptop, checked my Facebook account without nothing to share or to do in particular. I blogged but I skipped the love or romantic topic. I chose to eat alone, go to mall alone, see a movie alone… para na akong si Macaulay Culkin ng Home Alone… Alone, alone and more alone. 

Writing about the details of my ordeal (hahaha! ordeal talaga ang ginamit na word) is not important right now. Acceptance is better to do. Little by little I regained my own self. I can smile again about the present and not about the happy days I had with her (eating pizza and lasagna together mga ganun ba?). But it’s a process. Parang sa cost accounting…. I am still a WIP as in Work-in-Process. Huwag lang sanang maging Spoilage.

Then this Sunday, I was touched by the message of the priest. Hindi sya nagtext sa akin, nakinig ako at hindi nakatulog sa kanyang homily. Though his message is not directly addressing about getting basted (I am so konyo!), he delivered  a Max message (kasi sagad to the bones) about relationship. I would like to share about what lesson I learned today in three parts.

Relationships complete us. Yes I agree with this one, napa-Yes Man ako sa kanya because tama sya. How many times we think of achieving something and ididikit natin I mean we dedicate our success to our loved ones. When we were young even our simple exams we passed we are proud to share our joy with our parents. Every basketball game we won, we are so glad we played it with our siblings, friends and kaberks. Every achievement we obtained, we share it to our “bebekoh”. That because every relationship complete us.

That’s why when our love ones suddenly taken from us, iniisip natin, something is missing. Parang me kulang. “Lord sana kunin nyo na rin ako!” Yan ang madalas nating sinasabi. And that feeling originates from being part of a relationship. Same is true if we are the culprit o ang nakasakit sa kapwa natin. We also feel that there is something wrong, that because, we abrupt the feeling of being complete.

 Relationships give us meaning of life. Remember the saying “Aanhin mo ang kastilyo kung wala si Christine Reyes sa kwarto.” Ooops mali… “Aanhin mo ang bahay na bato kung ang nakatira ay si Tado.” Kidding aside, you already know what I am pointing at. No matter how rich we are, no matter how successful we are in our career, no matter how great our work or how profitable our business, no matter how popular we are, if our relationship with our family, parents, siblings, wife/husband, or children is a mess, all things will have no meaning. The most important thing in the world is not the money or investments we have; not the coolest gadgets we have, ohlalala Sports Car yung red that we drive, so comfortable na bahay we abode or high paying jobs we are proud of. What is more important above these things is our relationships. Masira at mawala na ang lahat, wag lang ang relationship natin.

We are designed to be connected. In the first place, we are not designed to earn money. We are not also initially designed to be successful. Rather we are designed to be connected and be in a relationship. Gaining material things and being successful is only the by-product of our existence here on earth. Just a little eye-opener, having a Friendster account na naging di na cool kaya lipat na sa Facebook, chatting in YM, emails and even in our own offices if we have Office Communicator, having not just one but two or three cellphones (para lahat ng ng network meron ka)  is the most valid evidence that we wanted to be connected. Kahit na paulit-ulit lang ang pinag-uusapan nyo ok lang. Ultimo oras ng pagkain ng mahal mo at ulam nya uusisain mo pa just to be connected sa kanya.   

For those people who chose to be not connected, sige dyan na lang kayo. Good luck na lang sa inyo. Sana masaya kayo sa pinili nyo. Isa kayo sa mga tumiwalag sa kasabihan na “No one is a Hundred Island!”  Joke lang nagbabata lang ako (in English I am just kidding). It’s not too late to rekindle your closed relationships. Minsan it is up for us to do the small step. Small step could be saying “I am sorry… tama ka gwapo ako.” (nagbabata ulit).

So after hearing the mass, para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa ulo. I realized, after akong mabasted, friend pa rin naman kami ng mahal ko. And I also have some other relationships to maintain. My family, relatives and friends are around me especially pag nanalo ako sa lotto! So moral of the story, above all things, let’s prioritize our relationships.

Remember it’s nice to eat Giant Halo-Halo ng Max with someone… or with the whole gang/family and relatives! Malaki kasi yun! (try nyo omorder yung saktong mag-isa nyo lang, balitaan nyo ko sa reaction nyo… email me and be connected.) 

I wish every one who read this will have a great relationships to their love ones! Send this to 20 of your friends or else… you will have miserable s*x life for 20 years. (nagbabata ulit!) 

Let’s all be In A Relationship!

I am Dorm Boy and I am in a Relationship!

Tags: , , , , , ,
Posted in Inspire | Comments (47)

Tribute to the Graduates

March 14th, 2010

Marso na naman at syempre pag ganitong buwan, marami na sa atin ang nag-iisip ng isang masaya at bonggang-bongang summer vacation. Minsan gusto nating gumala at magpakawala na lang sa dagat, sa nature at saang sulok man ng bansa kung saan pwedeng ipost sa Facebook at ipagmayabang na napadpad tayo sa lugar na yun.

Marami ngang nagsasabi isang status symbol na ang mga travels. Me point nga naman sila. Naalala ko nung nasa dorm pa ako, ang aming mga summer get-away ay hanggang sa mga dagat ng La Union at Pangasinan lang. Minsan umaakyat din kami ng bundok kaya minsan napagtripan naming akyatin ang Bundok ng Sto. Tomas sa Baguio. Eto yung bundok na makikita sa Marcos Highway kung saan me dalawang radar na parang tenga ni Mickey Mouse. Yun ang inakyat namin. Me makikita kang wild strawberry sa tuktok ng bundok at alam nyo ba kung anong lasa ng wild strawberry?

Hindi ko alam. Hindi ko tinikman eh.

Kasabay syempre ng masayang lakaran ang mga digital puto este photo pala. Guilty ako bilang mahilig sa mga larawan at pagkuha ng mga pictures sa nature, sa location kung saan tanaw ng aking paningin. Naalala ko pa ang tanging pictures namin noon ay gray sands sa dagat pero ngayon me “Jump-Shot” na sa mga white sands ng mga beach. Nag-evolved na ata talaga ako.

Sa lahat ng lakaran frustration ko pa rin ang hindi ko alam kung panu lumangoy. Maraming dagat at ilog sa Pangasinan pero hindi ako nagkaroon ng chance at syempre lakas ng loob matutong lumangoy. Sumisid? Hmm pwede pa depende sa sisisirin. Kung swimming pool ok lang pero pag mga lake naku pass ako dyan. Kaya noong magkayayaang magsnoring este snorkeling sa Palawan, naku isang Fear- Factor ang aking naramdaman. Me phobia kasi ako sa tubig, muntik kasi akong malunod noon the junior pa ako. Pangarap ko pa naman gayahin ang mga Anglo-Saxons based sa Old English Literature (gising ako pag kwentuhan sa literature) kung saan sila ay matatapang at sea-fairer, kaya nilang mamuhay at magpalutang lutang ng matagal sa karagatan.

Before muna magkayayaan sa mga lakaran this summer, kwentuhan ko muna kayo about sa ending ng semester sa dorm. Rewind muna tayo sa dorm days ko. Bukod sa busy kami nag-rereview sa mga final exams, hinahabol din sa dorm ang paghahanda sa “Tribute to the Graduates”.

Ano ba ang “Tribute to the Graduates”?

Eto ang final activity sa dorm every semester kung saan binibigyan ng tribute ang mga  graduating interns. Isang simpleng party eto kung saan sikat ang mga kuyang pagraduate. Ang sayang isipin na after ng mahabang taon ng pamamalagi sa dorm heto at aalis na ang mga kuya namin. Kami naman na ang papalit sa pwestong iiwan nila, ang maging kuya naman sa mga bagong interns na papasok sa dorm. Ganito naman lahat ng aspeto ng buhay. Me aalis at meron din papalit. Gaya ng sabi ni Big Brother ang lahat ng eto ay nangyayari sa “takdang panahon”.

Isa sa mga pinakahihintay sa Tribute to the Graduates ang mga speech at messages ng mga graduating interns. Madalas hinihintay namin ang mga speech ng mga maloloko naming mga kuya. Kakaiba kasi pag sila na ang nasa harap. For the first time they will conquer the stage. Eto ang fifteen minutes of fame nila. Kaya naman sinusulit ng mga kuya ang pananatili nila sa limelight. Eto ang kadalasang pakulo ng mga graduating interns:

Attire: Syempre kagalang-galang ang mga graduating interns sa gabing eto. Kaya naman naka-kontodo longsleeve at nectie ang mga kuya. Syempre me mga pasaway pa rin. Me iba ok na ang lahat. Plantsadong long sleeves, saktong haba ng necktie, khaki na pants sa busog din sa plantsa pero sa me paanan… “NIKE White Rubber Shoes”. Ginawang parang NBA draft ang Tribute kung saan formal na lahat maliban sa sapatos.

Attendance: Yung ibang graduating interns eh halatang excited, maagang umuuwi para makapaghanda. Me iba naman sobrang mahiyain talaga at hindi dumadalo sa gabing nakalaan sa kanila. Kalokohan kung tutuusin, me tribute na nga at minsan lang yun sa buong stay sa dorm pero umaabsent pa rin. Ang iba naman well as usual late “kuno” or sige na nga benefit of the doubt valid daw ang excuse kung kaya late sila. Syempre pag late ka Grand Entrance ka papunta sa harap! Sikat!

Standing Ovation: Ang iba pagkatapos magsalita sa harap ang gagawin papatayuin ang mga tao sabay request ng masigabong palakpakan. Ayun instant Standing Ovation agad! Panalo!

Batian Portion: Eto ang pinakamasaya sa lahat ang mga banat ng mga kuya namin. Syempre gusto naming mga maiiwan na masabit sa listahan ng mga pasasalamatan ng aming mga kuya. Kaya naman mula sa pinaka unang rummates (kahit wala na sa dorm) hanggang sa pinakapresent (ehem palakpak agad) na rummate eh babanggitin, babatiin at papasalamatan. Kasama rin sa listahan ang mga dorm masters na mababait at kaclose ng mga kuya, mga kaibigan, kaberks, kasama sa yosi, sa inuman, sa kalokohan at sa mga naging kaaway na rin. Parang sa show sa Wowowee kung saan ang hahaba ng mga litanyan ng mga binabating mga tao.  Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa ng isang kuya namin. Gumawa talaga sya ng listahan at ginawang rolyo na parang tissue paper. Sabay pagsapit ng batian portion ng speech nya sabay bagsak ng rolyo. Sobrang haba ng listahan lagpas sa podium sa stage! Syempre isang pilit na ngiti na lang ang mapapansin sa mga emcee at management kasi sobra na sa allotted time! Kakapusin na ang oras para sa programa! (hay stressful maging emcee!).

Ganito kasaya ang simpleng tribute sa mga kuya namin. Bilang pagpapatunay ng lehitimong stay nga mga graduating interns, me certificate at token as remembrance na binibigay sa kanila. At syempre after ng mga party wala na namang makikinig sa closing remarks nakapila na kasi lahat sa PAGKAIN!!! Yahoo!

After five years ko sa dorm… naranasan ko rin magsalita at maexperience ang fifteen minute of fame under the limelight sa gabi ng Tribute to the Graduates.

Tags: , , , ,
Posted in Inspire | Comments (4)

Bintana

February 7th, 2010

Salamat for this weekend, makakapagblog na ulit ako. Sa mga nakalipas na araw ay naging hectic ang aking schedule. I could only managed updating my Facebook account at maghintay (kung meron man) ng mga comments sa blog ko. Minsan nga sa dami ng nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw gustong gusto ko ng isulat ang bawat pangyayari, tagpo at funny moments na naganap. Pero my spirit is willing but my body isn’t.

Minsan sa kakablog hop ko, marami akong nabibisitang mga magagandang blogs. Me mga matagal nang di nauupdate, some since 2005 or 2008 pa ang huling nasulat. Ang gaganda ng mga paksa at  kwentong talaga namang me sense. Naisip ko lang kung noon pa sana ako nagsulat about living inside a men’s dorm eh di sana hindi na ako naeexert too much effort na halughugin pa sa baul ng aking memorya ang mga kwentong dorm ko. Late ko na kasi nalaman ang salitang BLOG.

Anyways sana lang hindi ako mahirapan magmanage ng blog ko. I admit I have great hopes sa blog ko. Feelingero din kasi ako. Pakiramdam ko sisikat ako sa mundo ng blogging. But when I read other blogs ako ay napapaWOW na lang. Wala pa sa kalingkingan ang blog ko compared sa kanila. Dumaan pa ang mga araw at dumami ang aking mga friends sa blogosphere. Mostly sa kanila taga WORDPRESS. Akala ko noon kelangan magpatawa lagi sa blog at gawing kengkoy o magkaroon ka ng pakulo o gimiks para mabenta at makilala ang blog mo. Nagkakamali pala ako. Ang mere essence ng blogging na aking naunawaan sa pagdaan ng mga araw ay simple lang… eto ay hindi maghangad ng kasikatan  but to express what you feel… period. Hayaan na natin ang kasikatan, lets live it to the SUN kasi yun ang work nya ang sumikat (sunrise) at sumisid (sunset).  Expressing our emotions is normal. Blogging is one of our outlet ika nga. Kaya ngayon naiintindihan ko na ang mga bloggers na minsan emotional sa kanilang mga nasusulat. Naiintidihan ko na rin kung minsan ang ilan nawawalan ng gana magsulat. Kasi lahat tayo emo… emoticons!

Naalala ko tuloy ang mga araw ko sa dorm noon. Paghomesick ako, o me bumabagabag sa isipan ko ang tanging ginagawa ko eh dumungaw sa bintana. Wala namang magandang scene sa labas. Kaharap ng lumang dorm namin noon ang ospital ng university, although maraming dumadaan doong mga nagseseksihan at naggagandahang dilag  na papasok at pauwi from university campus. Sa university maraming seksi ganito sana sa buong bansa.

Hindi magastos ang ganitong lifestyle sa men’s dorm. Walang cash outlay ika nga sa accounting. Walang materiality level na pag-uusapan kung sa auditing mo titignan. Tanging ang oras mo lang ang nasasayang at nagiging sunk cost ayon sa cost accounting. Pero ganumpaman kahit papano gumagaan ang isip ko.

Ngayon wala akong bintanang mapagdungawan. Tanging Facebook, WordPress, YM , NBA, Inquirer, Philstar at mga inspirational blogs lang ang aking bintana sa mga oras na gusto kong dumungaw at iexercise ang aking mga braincells.

Nakakamiss tuloy ang dungaw-sa-bintana moments ko sa men’s dorm. Pinaka paborito kong oras ng pagdungaw eh tuwing study period sa gabi mga alas nuwebe o alas diyes ng gabi. Tahimik at malamig ang simoy ng hangin. Nakakarelax at nakakabrain freeze.

Ikaw, me kwentong bintana ka ba?

Tags: , ,
Posted in Inspire | Comments (70)

  • Twitter Ko

    Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.