Nakakamiss ang mga activities tuwing Valentines day noong nasa unibersidad pa ako. Naging makulay ang Valentines day ko noong nag-aaral pa ako hindi dahil sa meron akong girlfriend noon (actually wala pa noong nangyari tong kwentong to), bagkus naging super busy ako sa mga activities both sa dorm at sa organization namin.
Noong una kong pagpasok sa unibersidad, natuwa ako sa mga booth na itinatayo ng mga organization ng mga college students sa building kung saan kami namamalagi. Kanya kanya ng pakulo, booth design, goods na tinitinda at services na pinoprovide sa mga estudyante at instructors. Madalas roses, chocolates at balloons ang mga panindang pangregalo. Kung medyo malaki ang funds ng org kaya nila magtinda ng mga stuff toys at souvenirs for Valentines. At syempre kung talented naman ang mga kasamahan sa org madalas me Singing Telegram na available services.
Ano ba ang Singing Telegram?
Ito ay isang katuwaan ng mga estudyante kung saan me haharanahin sa loob ng classroom. Ang mga singers ay mang-iistorbo sa mga classrooms kung saan nasa kalagitnaan ng lecture o quiz ang mga students. Sabay katok, sabay hingi ng permission sa instructor, sabay banat sa gitara at syempre sabay kanta. Sa halagang P50.00 bawat Singing Telegram tyak mapapasaya mo (kung gusto ka ng girl/boy) o lalong maiinis sayo (kung ayaw ka ng boy/girl) ang iyong mahal o mamahalin pa lang.
Natawa nga ko kasi me mga instructors and professors na hindi ko alam kung nasan napunta ang salitang kilig o romance sa kanilang katawan at sadyang napaka kill-joy sa mga ganitong Singing Telegram. Minsan hindi kami pinapasok kasi daw ayaw ng isang instructor na maistorbo sila sa klase. Hindi naman daw kasi place of “ligawan” ang classroom nya. Wala kaming nagawa kundi umalis na lang at i-refund sa nagnanais makantahan ang kanyang sinta. Pero hinayaan na lang namin sila, tanging dasal na lang namin ay sana muling mag-alab-alab-alab –I-LOVE-YOU ang kanilang mga puso.
Nakakatuwa rin ang kwento ng isa kong kaibigang kumakanta sa mga Singing Telegram. Halos buong araw kasi nyang kinanta ang “I’ll Be” sa lahat ng klaseng mapuntahan nya. Siguro kung hindi daw sya nagkakamali umabot ng mahigit 15 times nyang kinanta ang kantang gasgas na gasgas na sa kanyang pandinig. (Now you know kung kelang nangyari ang kwentong to, sikat pa ang I’ll Be!).
Marami pang pakulo ang mga different organizations. Me picture booth kung saan pwedeng magpapicture ang mga magsing-irog with Hearts sa background. Meron ding voting for Most Mr. and Ms. Valentines. (Sa lahat pala ng bumoto sa akin sa Top 100 Handsome bloggers, maraming salamat sa inyong lahat! Ako ay naaliw at natuwa at pang 65 ata ako!).
Pero wala nang makakatalo pa sa best seller of all times ang pamimigay ng letters, chocolates, balloons at syempre ang Red and White Roses!
Hindi ako magaling kumanta kaya nagvolunteer na lang akong massager este messenger ng mga letters, three-stem roses, balloons, at chocolates sa mga classrooms. Pakiramdam ko ang sarap magmahal noong panahong yun. Kasi sa tuwing nagdedeliver ako, binabasa ko kung kanino ang padalang ibibigay ko at kung kanino galing. At syempre me special way ako ng pagdeliver. Me mga love notes akong binabasa para sa girl na papadalhan. Ang mga love notes/ sayings na yun ay sa malamang ang tawag nating ngayon ay Cheesy lines. Nakakaaliw kung panu tumayo ang isang girl na ngbablush na me halong kilig o hiya sa kanyang mga classmates. Kapag inaabot ko ang padala sa kanila nanginginig pa ang kanilang kamay. Ang sarap ng feeling noon kasi pakiramdam ko ang noble ng ginagawa ko noon. Nakakapagpasaya ako ng mga taong nagmamahalan.
Noong minsan pa malapit ng maubos ang aming tindang balloons sa booth namin, walang available na runner para kumuha ng balloons sa Harrison Road sa Baguio. Walang no choice kaya nagvolunteer na akong pumunta. Mantakin nyo mga mahal kong readers, halos 50 balloons ang hawak-hawak ko habang naglalakad sa Session Road at pabalik ng unibersidad. Para akong magtitinda ng balloons sa Araw ng mga Puso. Taas noo pa rin akong naglakad sabay ngiti sa mga taong nakapansin sa iba’tibang kulay ng balloons na hawak ko.
Me cute pa ngang batang napagkamalan talaga akong nagtitinda ng balloon, sabay lapit sa Mommy nya at sabing, “Mami gusto ko nung balloon na me maraming balloon sa loob ng malaking balloon!”
Maraming magtataka bakit hindi na lang ako nagjeep o nagtaxi pabalik. Estudyante lang po kasi ako kaya wala pa akong pang taxi noon. At kung magjejeep naku hassel pang ipasok ko lahat ng balloons sa loob. Ok na rin yung naglakad ako at least natry kong maglakad with balloons on my hands.
At the end of the day sa sobrang pagod ko, papayag ba akong hindi ko mabigyan ang crush ko noon. Kaya ayun naglakas loob akong nagcompose ng poem using the letters of her name sa umpisa ng bawat lines. When adrenaline rushes nga naman, makakacompose ka talaga ng tulang straight from the heart in 15 minutes.
Medyo torpe pa ako noon kaya naghanap din ako messenger at pinadala ko sa kanya.
Pero naisip ko sana ako na lang pala ang nagbigay personally. Sana naitago pa nya yung poem na yun. Matanong ko nga sya pagnagdinner ulit kami this week.
Sana naging Happy kayo noong Hearts Day!